Wednesday, October 01, 2008

Saan Na Patungo?

Kamakailan lang ay naibalita ng namumuno ng aming opisina ang plano ng mga economic managers ng kasalukuyang administrasyon ng pamahalaan na i-deactivate na ang aming korporasyon. Kulang na lang na sabihing isasara na kami.


Sa pagsasakatuparan ng nasabing plano, milyong benepisiaryo sa nayon ang mawawalan ng pag-asa sa karagdagang puhunan na ipinauutang ng aming opisina para kanilang mga gawain at kabuhayan. Mahigit 1,000 empleayado din, ng aming opisina, ang mawawalang ng trabaho, karamihan dito mga rank-and-file na tulad ko, na umaasa lamang sa kinsenas na sahod.


Bakit ide-deactivate?


Dahil sa laki ng pagkakautang, hirap kami ngayong magbayad ng aming pagkakautang, Sa ngayon, hindi matugunan ng aming ahensya ang interes sa pagkakautang.


Mula’t Sapul


Ng itinatag ang aming opisina, paunang pondo lamang ang iginugul dito ng pamahalaan. Sa naturang pondo, mahigit 30 taon tumakbo ang ahensya ng walang karagdagang ayuda. At makailang ulit din naipautang ng aming korporasyon, sa mga mahihirap sa kanayunan, ang pondo na sa ngayon ay umabot na ng kung ilang bilyong pautang. Sa hangaring makatulong pa sa mas higit na bilang ng mahihirap na umaasam ng tulong mula sa pamahalaan, umutang ng karagdagang puhunan ang aming opisina . At dito na nagsimula ang aming kalbaryo.


Kung management failure ang nangyari, bakit di hanapan ng solusyon? Alamin kung saan nagkamali at iwasto. Sayang naman ang 30 taong pinagsilbi ng opisina sa pagpapaabot ng tulong pinansyal sa mga magsasaka at mangingisda at iba pang mamumuhunan at manggagawa sa kanayunan na alam natin na hindi basta mabibigyan ng pautang sa mga bangko.


Malaki ang maitutulong ng kasalukuyang administrasyon ng gobyerno at mga namumuno ng aming opisina para maisalba ang aming korporasyon, kung aalamin lang ng wasto kung sino, saan at ano ang mga puno’t dulo ng pag hina ng kumpanya at pagbigay ng nararapat na katugunan. Hindi mangyayari ang mga ito ng hindi man lang nalaman ng mga namumuno at namamahala. Hindi inalam? Hindi pinansin? o hindi alam? Mga katanungan na pag-sinagot ay magpapakita sa kung anong klase ng pamumuno ang ipinatupad sa korporasyon.


Sa pamamagitan ng karagdagang puhunan, upang makaahon at matugunan ng aming opisina ang mga obligasyon, at sa pagwawasto ng pamamalakad at pamamahala ng aming ahensya, naniniwala ako na kaya pa nito muling pumalaot ng nag-iisa at tumulong sa mahihirap, ng walang gaanong ayuda, ng makailang ulit pa sa 30 taon na pinamalagi nito.






Ang dating nagpapa-abot ng puhunan sa kanayunan,

ngayon ay kumakatok upang mapahiram, mabigyan,

ng karagdagang ayuda.


Pagkatapos ng ilang taong pagsisilbi,

sana ay tugunan at huwag ipag isang-tabi na lamang.

No comments: