Thursday, October 18, 2007

Demolisyon sa Likod ng QUEDANCOR

Bago pa lamang magsimula ang taong ito, akin nang napagalaman na may magaganap na isang malaking demolisyon. Ang kadahilanan, ang pagkabulok at paglamon ng kalawang sa pundasyon ng isang istraktura na nag silbi at pinakinabangan ng may karamihan ding bilang ng tao.

Sumapit ang kalagitnaan ng taon at nabatid na ito ng mga taong apektado. Unti-unti silang nagsilisan. Ang iba ay nagpakalayo, habang ang iba naman ay nanatiling nariyan lang sa tabi-tabi at nakamasid.

Ilang buwan na rin ang nakalipas ng magsimula na ang mga gawain. Unti-unti nang nagsimula ang mga ingay. At unti-unti na ring nalantad sa aking mga mata ang kabulukan. Madalas mo nang maririnig. ang ingay, patindi ng patindi, naka ririndi. Marami ang nangangamba, lalu ng yung mga nasa baba.

Kami ba ay maaapektuhan?

Malayo ba kami sa panganib?

Ang iba naman sa itaas ay tumatanaw lamang.

Sa ngayon, humihina na ang mga ingay. Panaka-naka mo na lamang itong maririnig.

Patapos na ang demolisyon, subalit wala pang kasagutan sa aking tanong ng una kong mabalitaan ang mga naganap.

Ano ngayon ang gagawin ng mga tao sa QUEDANCOR?




Ang tinutukoy ko pong Demolisyon sa Likod ng QUEDANCOR,


Ang pagwasak sa lumang gusali ng naunang Super Palengke at naging Glori Supermarket hanggang sa ito ay nasunog (matatagpuan sa likod ng QUEDANCOR), dahilan ng pagrupok at paghina ng pundasyon nito.

Delikado na ang lugar para sa mga gumagamit na jeepney drivers at mga nagtitinda kung kaya’t inabisuhan na sila at unti-unti na ring nilisan ang lugar.

Maingay ang mga makinang gumagawa dito kung kaya’t ako’y nagpapasalamat at ito ay patapos na.

Ngunit ang tanong ay nananatili.

Ano na ngayon ang gagawin natin?

Pababayaan na lang ba natin ‘yan?

No comments: